Libo-libong semilya ng alimango, pinakawalan sa Bagasbas Beach

Pinangunahan ng Angat Bagasbas Crablet Gatherer ang pagpapakawala ng libo-libong semilya ng alimango sa Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte, nitong Hunyo 29, 2024.

Naglalayon ito na magbigay ng liwanag sa kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa climate change, pagkawala ng biodiversity, at panganib sa kalusugan. Gayundin, ang maging modelo para sa responsableng pangingisda sa mga karagatan.

Samantala, ang nasambit na inisyatibo ay alinsunod sa selebrasyon ng National Environmental Month 2024, na may temang “Ang Ating Kapaligiran, Ang Ating Kinabukasan.”

PHOTO COURTESY: CAMARINES NORTE PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *