Binuksan na ang Food Kiosk para sa mga tauhan ng Police Regional Office 3 kaninang umaga.
Ito ay matatagpuan sa loob ng Camp Olivas sa inisyatibo ni PRO3 Dir. PBGen. Jose Hidalgo Jr.
Maaaring makapag-avail ng libreng almusal mula Lunes hanggang Byernes ang unang 200 personnel simula 7:30 ng umaga hanggang alas nwebe ng umaga habang 100 personnel naman para sa merienda tuwing alas tres ng hapon hanggang alas singko.
Ang kauna-unahang food kiosk sa kampo ay tinatawag na The Boy’s Corner, na hango mula sa nickname ni PBGen. Hidalgo at naglalayong mag-promote ng positibo at malusog na work environment.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: PRO 3
