Libreng bakuna kontra COVID-19, alok ng Abu Dhabi sa mga turista

Libreng bakuna kontra COVID-19 ang alok ng lokal na gobyerno ng Abu Dhabi sa United Arab Emirates para sa mga turista doon.

Makakukuha ng libreng bakuna ang mga may visa mula sa Abu Dhabi at maging ang may mga tourist visa sa Abu Dhabi Health Services Company na SEHA.

Ayon sa Abu Dhabi Media Office kwalipikado rin sa libreng bakuna ang mga paso na ang residency o entry visa’s.

Sa datos ng United Arab Emirates Health authorities, 85 percent na ng eligible population ang nakatanggap ng atleast first dose ng bakuna.

Samantala, Sinopharm vaccine mula China ang ibinibigay ng SEHA sa mga turista habang Pfizer/BioNTech naman ang matatanggap ng mga magpapabakuna sa lokal na gobyerno ng Abu Dhabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *