Libreng binhi at abuno mula sa DA ipinamahagi sa mga rehistradong magsasaka sa Basud

CAMARINES NORTE- Nagsimula na noong nakaraang Linggo  ang pamamahagi ng libreng binhi ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa mga magsasaka sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito ay mula sa programang Rice Resiliency Program (RRP) ng Department of Agriculture (DA) Region V.

Sa ilalim ng programang ito ang isang rehistradong magsasaka ay makakatanggap ng libreng binhi at abuno depende sa sukat ng lupang sinasaka.

Ayon sa DA kung ang kabuuang lupain ay lumagpas sa   maximum 3-hectare coverage sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ang excess areas ay maaaring ma- cover sa ilalim ng Rice Resiliency Project (RRP).

Sa ilalim ng RRP target ng DA na makapag- produce ng pagtaas ng metric tons (MMT) ng bigas.

Samantala, upang maiwasan ang pagdagsa ng tao sa tanggapan ng Municipal Agriculturist at upang masunod ang quarantine protocol minabuti ng tanggapan na gumawa ng skedyul at ipamahagi ng direkta sa mga barangay ang nasabing binhi. 

(photo courtesy : MAO Basud CN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *