Libreng gupit para mga ilaw ng tahanan at feeding program sa mga kabataan handog ng Brigada News FM Sorsogon sa ika 17 taong anibersaryo ng Brigada Group of Companies

Isinagawa kaninang umaga sa Barangay Pangpang Covered Court ang libreng gupit, pamimigay ng hygiene kits para sa mga Nanay at feeding program sa mga kabataan na handog ng Brigada News FM Sorsogon bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-17 taong anibersaryo ng pagkatatag ng Brigada Group of Companies.

Ang nasabing aktibidad ngayong taon ay nakasentro sa Mother and Child Care Advocacy ni Brigada Founder CEO Big Boss Elmer V. Catulpos bilang pagkilala sa katatagan at ‘di masukat na pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak kung saan mensahe ni Catulpos sa lahat ang pagkilala at pagpupugay sa mga sakripisyo ng mga Nanay na nagsisilbing liwanag sa loob ng tahanan na hindi dapat makalimutan ng lahat.

Aabot sa 70 mga magulang ang nabigyan ng libreng gupit ng mga staff/hair dresser ng Spyra Salon at hygiene kits mula sa mga major sponsors ng Brigada News FM Sorsogon habang feeding at milk feeding program naman ang para sa mga day care learners na ssinabayan pa ng clown performance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *