Libreng laptop ipinamahagi sa mga guro sa Legazpi City

BICOL—Muling namahagi ng libreng laptop ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi para sa mga guro ng DepEd Legazpi City Division.

Ito na ang ikalawang batch ng laptop distribution sa mga DepEd personnel kung saan nasa 70 na mga IT coordinators ang nabigyan kahapon.

Sa unang batch ay 120 school heads naman ang unang pinagkalooban ng mga nasabing gadgets.

Buhat ang pondo nito sa Special Education Fund ng lokal na pamahalaan. Umaasa ang LGU na magiging malaking pakinabang ito sa mga guro at mga estudyante sa teaching -learning process.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, maliban sa mga unang nabenepisyuhan, target din nilang mabigyan pa ang mga senior at junior high school teachers lalo ngayong ipinatutupad ang blended learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Posible kasi umanong tumagal pa ang ganitong sitwasyon ng isa hanggang dalawang taon bagamat umaasa silang makakapagbukas na ng mga eskwelahan sa susunod na taon dahil na rin sa bumubuting estado ng vaccination rollout.

Isa kasi umano sa mga napagkasunduan nila sa League of Cities of the Philippines ay hindi maaaring buksan ang mga paaralan hanggat hindi nababakunahan ang mga kabataan.

Ayon sa opisyal, kailangang mas maging innovative ang mga guro at patuloy na irealign ang sistema sa sitwasyon upang maibsan ang epekto ng pandemya.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *