Libreng opera para sa mga may bingot at ngongo, isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa buwan ng Mayo

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng libreng opera para sa may mga bingot at ngongo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte.

Isasagawa ito sa ika-6 hanggang ika-9 ng Mayo sa Labo District Hospital Talobatib Labo Camarines Norte.

Para sa mga magpapalista maaaring kontakin ang numerong 0938-515-3377 at numerong 0936-047-3906

Ang libreng operasyon ay resulta umano ng pakikipagtulungan ng pamahalaan sa Advance Craniofacial Project Philippines Inc. Ito ay isang Non-Profit Charitable Organization na nagbibigay ng libreng operasyon sa mga taong may cleft lip at cleft palate.

Ang bingot (cleft lip) at ngongo o (cleft palate) ay mga uri ng congenital deformity. Ibig sabihin, ang isang tao ay mayroon na ng ganitong kondisyon mula nang siya ay isinilang. Kapag ang isang tao ay may bingot, may siwang o hiwa ang itaas ng kanyang labi na maaaring umabot hanggang ilong. Sa ngongo naman, ay mayroong siwang ang kanyang gilagid.

Ayon sa datos, 1 o 2 sa bawat 1,000 sanggol na isinisilang ay maaaring apektado ng pagkabingot at pagkangongo. Dagdag dito, ang mga lahi na may pinakamataas na naitalang kaso nito ay mga Native American at Asyano, samantalang ang mga Aprikano naman ang may pinakamababang kaso ng kondisyong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *