Sumasailalim ngayon ang nasa 25 magsasaka sa libreng pagsasanay na alok ng isang non-government organization (NGO) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon hinggil sa ‘sustainable agriculture’ o Kabalikat sa Kabuhayan (KSK).
Ayon sa pamunuan ng SM Foundation, bahagi ito ng kanilang Corporate Social Resposibility (CSR) na ang layunin ay mas mabigyan ng mga karagdagang kaalaman at mga bagong istilo ng pagtatanim ang mga magsasaka sa lalawigan upang maiangat ang sektor ng agrikultura at pamumuhay ng mga ito.
Ang training ay tatagal ng 14 na araw, nakapalaman din dito ang ‘Tatang’s 14 Life Priciples, ang mga prinsipyong ipinapasa ng Founder ng SM na si Henry Sy na mas kilala sa tawag na ‘Tatang.’
Ang Kabalikat Sa Kabuhayan (KSK) ng SM ay naglalayon na magdala ng moderno at napapanatiling mga kasanayan sa pagsasaka sa parehong rural at urban na komunidad upang matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng pagkain sa kanilang mesa at magkaroon ng mga potensyal na pagkakataon sa ekonomiya.
