‘Libreng sakay’ inilunsad ng LTFRB-Bicol sa Albay

BNFM BICOL – Nagsagawa ng Launching Program at pilot onboarding ang Land Transportation Franchise and Regulatory Board o LTFRB Bicol sa kanilang Service Contracting Program Phase 3 sa lungsod ng Tabaco sa lalawigan ng Albay.

Sinimulan ang nasabing Service Contracting Program Phase 3 nitong Lunes, Mayo 16, 2022 sa Tabaco Central Terminal sa nasabing lungsod kung saan pinangunahan ito ni Regional Director P/MGEN Antonio Gardiola, Jr, at Perrie Deovanni N. Solano – Project Evaluation Officer III ng nasabing ahensya.

Para masiguro ang maayos na pagsasagawa ng ‘free ride operation’, kasama sa launching ng nasabing programa ang mga empleyado ng LTFRB Regional Office V – Project Implementation Unit kasabay ang mga PUV units at ridership status.

Bukas ang ‘Libreng Sakay’ sa ruta nito mula sa Tabaco City at Legazpi City at vice versa.

Samantala, inaasahan din na mas marami pang biyahe ang bubuksan at madadagdagan sa mga susunod na linggo ng programa at ipagpapatuloy ang implementasyon ng mas marami pang PUV units at mas marami ding mga commuters na mabebenipisyuhan ng naturang programa.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *