Libreng sakay program sa EDSA bus carousel, traditional at modern jeepney, Pamasko para sa mga Pilipino ayon sa LTFRB

Inanunsyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III na ibabalik ang libreng sakay para sa bus carousel gayundin sa consolidated at modern jeepney sa darating na Nobyembre.

Ito’y bilang maagang pamasko aniya ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Guadiz na inaasahan nitong ngayong Linggo ibababa ang pondo na P1.3B dahil natapos na ang joint circular kaugnay rito.

Tatagal ang libreng sakay hanggang December ngayong taong 2023.

Dagdag pa ni Guadiz, posibleng umabot ang libreng sakay sa January 2024 kung makakakuha pa raw ang ahensya ng karagdagang pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *