Libreng sakay sa nobyembre, kanselado

Kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi na magpapatuloy ang programang ‘Libreng Sakay’ ng gobyerno sa susunod na buwan.

Gayunpaman, tinitingnan ng Transportation Department ang pag-aalok ng mga diskuwento sa pamasahe sa mga commuter dahil mas maraming Pilipino ang makikinabang dito.

Noong Enero pa lang, binanggit na ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibilidad na mapalitan ang Libreng Sakay ng mga diskwento sa pamasahe.

Matatandaang unang sinabi ng LTFRB na babalik ang free ride program sa Nobyembre at tatagal hanggang Disyembre ngayong taon dahil ang P1.3 bilyong budget para sa programa ay nakahanda na para ilabas sa pamamagitan ng joint memorandum circular.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *