Libreng toll fee , ipatutupad ng SMC ngayong Pasko at sa bagong taon

Nagpatupad ang San Miguel Corporation (SMC) ng libreng toll fee bilang pamaskong handog para sa mga motorista ngayong Pasko at sa Bagong Taon, ngunit nagbabala sa mga motorista sa matinding traffic ngayong holiday.

Nabatid na ang libreng toll fee ay ipinatupad ng SMC sa lahat ng expressways na kanilang pinangangasiwaan simula alas-10:00 ng gabi ng bisperas ng Pasko, Disyembre 24, 2021, hanggang alas-6:00 ng umaga ng Christmas Day, Disyembre 25, 2021.

Muli naman itong ipatutupad mula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31, 2021 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2022.

Habang may toll holiday, hindi muna kailangang magbayad ng toll fee ng mga motorista kung dadaan sila sa Southern Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIA Expressway (NAIAX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR toll), at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang pag-waive ng toll fee sa mga tollways tuwing holiday ay naging taunang tradisyon na ng SMC upang mabigyan ng libreng access ang mga motorista sa kanilang mga toll roads.

Hinikayat niya ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga biyahe at umalis nang mas maaga, lalo na para sa mga may naka-schedule na flight o biyahe ng bus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *