Libu-libong residente sa China, lumikas dahil sa malakas na mga pag-ulan

Lumikas ang nasa 200,000 na mga residente sa southern China dahil sa malakas na mga pag-ulan na nagdulot ng matinding pagbaha at landslides.

Sinasabing ito ay pinakamalakas na pag-ulan matapos ang ilang dekada kung saan huli itong nangyari noong 1961.

Ayon sa Guangdong authorities, umabot na sa 254 million dollars ang halaga ng mga nasira dulot nito.

Samantala, matatandaang umabot sa 21 katao ang nasawi sa pagbaha sa central Chinese province ng Hubei nitong buwan. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.