Lider layko na tatakbo sa Barangay at SK Elections dapat munang mag ‘leave of absence’ sa official function nito sa simbahan ayon kay Bishop Alarcon

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang isang Obispo sa mga lider layko na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mag “leave of absence” muna sa kanilang “official function” bilang lider ng Catholic Church organizations sa kani- kanilang parokya.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Bishop Rex Andrew Alarcon ng  Diocese of Daet, sinabi niya na ito naman talaga ang nararapat upang hindi mabahiran ng pulitika ang kanilang paglilingkod sa simbahan.

Maaari naman daw bumalik ang mga ito bilang lay leader pagkatapos ng eleksyon.

Ayon kay Alarcon, bagamat nakadepende na rin ito sa local ordinary o sa Obispo ng isang partikular na Diocese, ito naman daw ay common policy na ng simbahan at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Gayunman, binigyang diin ng obispo na hindi ito nangangahulugan na pinagbabawalan ng simbahan ang mga layko na lumahok sa pulitika.

Sa katunayan ay hinihikayat pa nga umano ng simbahan ang mga layko na aktibong makilahok sa political exercise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *