Lider ng gun-for-hire na utak ng pamamaril sa Calbayog City, patay sa shootout

TACLOBAN CITY – Patay ang isang leader ng gun-for-hire matapos na makipag barilan sa mga pulis sa Brgy. Hamurawon Calbayog City sa Samar noong May 9, 2023.

Sa inisyal na report magsisilbi sana ng warrant of arrest ang operatiba ng Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 8 sa dalawang kasong murder laban sa suspek na si Carlito Magbutay Alyas Alas ng makipag barilan ito sa mga pulis.

Pinaputukan agad umano ang mga operatiba habang papalapit sa bahay na tinutulayn nito kaya’t nagkaroon ng barilan.

Nakuha mula kay Alas ang AK47 na baril na may tatlong magazine ha 84 na bala.

Arestado naman ang dalawang kasamahan nitong kinilalang sina Ricky Medrano Casaljay at Reymart Rosini, na nakuhanan kalibre 45 na baril na may aabot sa 50 na bala.

Nakuha rin sa mga suspek ang fatigue uniform, bota at mga duyan na ginagamit umano kapag mayron itong operasyon.

Ang grupo ni Alas ang itinuturong responsable sa pamamaril sa Brgy Victory noong April 14 na ikinasawi ng dalawang tao kasama ang isang menor de-edad. //MHEL PACIA via JDM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *