Lider ng NPA at 7 iba pa tumiwalag sa kanilang hukbo sa Masbate

Dahil sa patuloy na panawagan ng pamahalaan sa mga kasapi ng rebeldeng grupong NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan, karagdagang walo pa, kabilang ang isang pinuno, ang tumiwalag sa kanilang hukbo at boluntaryong sumurender sa mga awtoridad sa bayan ng Milagros, Masbate.

Kasabay ng pagsurender ng commanding officer ng L2, KomProb 4 ng Bicol Regl Party Committee ay ibinaba din nito ang kanyang armas na carbine rifle.

Ang pitong iba pa ay ibinaba din ang kanilang armas na kinabibilangan ng isa pang carbine rifle, tatlong Cal 38 revolver, isang Cal 357 pistol, isang Cal 45 pistol, homemade shotgun at isang KG45 sub-machine gun.

Masaya naman tinanggap ng 903rd Bde commander na si BGen Aldwine Almase at ng division commader ng 9th ID na si MGen Alex Luna ang mga rebel returnees.

Ayon sa dalawang opisyal, nagagalak sila sa lumulobong bilang ng mga sumusurender na mga rebelde. Hindi umano sila nagkamali sa kanilang desisyon.

Mababatid na noong buwan ng Hunyo 7, 15 rebelde ang sumurender sa Albay na sinundan ng dalawa pa sa bayan ng Juban, Sorsogon noong Setyembre 4 at noong Oktubre 8 ay dalawa pang NPA ang sumurender sa Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *