Lifeline Rate Discount o Subsidy, ipagpapatuloy ng CANORECO hanggang taong 2051

CAMARINES NORTE- Ipagpapatuloy ng CANORECO ang Lifeline Rate Discount o Subsidiya hanggang taong 2051. Ang Lifeline Rate ay ang “subsidized rate na ibinibigay sa mga kwalipikadong marginalized end-users bilang bahagi ng socialized pricing mechanism na nagbibigay ng porsyentong diskwento.

Layon nito na matulungan ang mga konsumidor ng kuryente lalo na yung mga namumuhay sa ilalim ng poverty threshold ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang mga end-user na kabilang at kwalipikadong mag avail ng Lifeline Rate Discount ay ang kabilang sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na papailalim sa ilang mga kundisyon ibinigay ng Section 73 ng RA No. 11552, at ang isang marginalized end-user, na namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinatag ng Philippine Statistics Authority (PSA) at nagtataglay ng mga kwalipikasyon

at wala sa mga diskwalipikasyon sa ilalim ng RA at ng IRR nito.

Sinumang konsumidor na benepisyaryo ng 4Ps at mag-aaplay para mapagkalooban ng Lifeline Rate ay dapat magsumite ng Application Form, Pinakabagong bill sa kuryente ng electrical connection na iaaplay para maka-discount at anumang valid na government-issued id na naglalaman ng lagda at address ng konsumidor.

Para sa iba pang mga aplikanteng marginalized end-user na hindi mga benepisvaryo ng 4Ps ngunit ang kita ng pamilya ay mas mababa sa naaangkop na poverty threshold na Php11,957.00 kada buwan ay dapat magsumite ng dokumentong isang sertipikasyon mula sa lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na inisyu sa loob ng anim na buwan bago ang paghahain ng aplikasyon, na nagpapakita na ang kita ng kanyang pamilya ay mas mababa sa poverty threshold ng PSA.

Inaasahan na ang pagpapatuloy ng nasabing discount hanggang 2051 ay makatutulong sa kabuhayan ng mga nasa Marginalized Sector sa pag-asang sa pagtatapos ng nasabing taon ay kaunti na lamang ang Marginalized Consumers at maliit na lamang ang pangangailangan sa naturang discount.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *