Ligao CDRRMC, naglabas na rin ng guidelines para sa darating na Undas 2022

LEGAZPI CITY – Naglabas na ng guidelines mga tuntunin ang CDRRMC ng local government unit ng lunsod ng Ligao sa lalawigan ng Albay tungkol sa Undas bukas, Nobyembre 1, 2022.

Sa inilabas na abiso mula sa LGU, nakasaad na kinakailangan pa ring obserbahan ang minimum public health standards sa COVID-19, kung saan, sa ilalim nito, ipinag-uutos ang pagsusuot ng facemask sa loob ng sementeryo, hand disinfection, physical distancing at ichi-check pa rin ang body temperature kapag papasok – hindi rin papapasukin ang mga may trangkaso, lagnat, ubo at sipon.

Nakasaad din ang iskedyul na kinakailangang sundin, kung saan, ngayong araw hanggang bukas, maaari lamang pumunta sa oras na 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi; habang sa Nobyembre 2 naman ay mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.

Dagdag pa nito, kinakailangan ding tumalima sa traffic management at route plans na inihanda ng PNP.

Maliban dito, tanging ang mga nagtitinda na mayroong special permits galing sa barangay ang pahihintulutang magtinda sa Undas sa mga itinalagang vending areas sa labas ng mga sementeryo.

Kinakailangan ding magtalaga ang City PNP, CDRRMo maging ang mga barangay ng mga parking areas para sa mga behikulo at motorsiklo; maging pagpapanatili ng kalinisan ay ipinag-uutos din.

Samantala, mahigpit na ipinagpapabawal ng opisina ang pag-inom ng mga alcoholic bevearges, pagpapatunog ng malalakas na tugtog, pagsusugal, pagdala ng baril o mga nakakamatay na armas, paninigarilyo o vaping at ang pago-overnight.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *