Isang linggong pagbabakuna sa mga pedriatic at adult isasagawa sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Inihayag ng City Government ng Ligao na isang linggo na magsasagawa ng pagbabakuna ang City Health Office sa mga pediatric at Adult simula Enero 10 hanggang 16 taon 2022.

Ayon dito, ngayon araw ay tatlong venue ang kanilang pagsasagawaan ng pagbabakuna sa City Gymnasium, Tambo covered court at Tula tula Grande.

Maaari na rin magpabooster shots ang tapos na magpabakuna sa second dose na tatlong buwan ang pagitan.

Pinaaalahanan rin ng Alkalde Patricia Alsua Gonzales na sumunod ang lahat sa health protocols, magsuot ng face mask, at magdala ng sariling ballpen.

Dagdag pa nito maaari na rin magpabooster shots ng Pfizer at Sinuvac ang nais magpabakuna.

Base sa tala ang Ligao City ay mayroon ng kabuuhang bilang na 57, 837 o 69% ang fully vaccinated na, habang 21, 774 na lang ang remaining unvaccinated sa nasabing lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *