Lima katao nasawi sa pamamaril sa Toronto

Lima katao ang nasawi at isa ang sugatan sa pamamaril sa Toronto, Canada.

Namatay din ang suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na sinabing naganap ang pamamaril sa isang apartment building.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at kung may koneksyon ang mga biktima at ang lalaking suspek na hindi pa pinangalanan.

Natagpuan ang mga biktima sa iba’t ibang apartment building na matatagpuan sa Vaughan sa hilaga ng Toronto.

Noong April 2020, isang gunman na nakabalatkayo bilang isang pulis ang pumatay ng 22 katao sa silangang lalawigan ng Nova Scotia, na tinawag na worst mass shooting sa Canada.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *