Lima katao patay, mahigit 70,000 ang lumikas sa baha sa Malaysia

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi at mahigit 70,000 ang dinala sa mga evacuation centers sa Malaysia matapos bumaha sa hilaga ng bansa.

Mahigit 31,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan sa estado ng Kelantan habang mahigit 39,000 residente ang inilikas sa mga pansamantalang tirahan sa karatig na Terengganu matapos ang pagbaha.

Iniulat ng local media na apat na tao ang namatay sa Kelantan noong Lunes nang makuryente ang tatlong kapatid na babae habang tumatawid sa tubig-baha at nalunod ang isang 15-buwang gulang na batang lalaki.

Ang ikalimang biktima ay isang dalawang taong gulang na batang babae na tinangay ng malakas na agos sa Terengganu.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *