Limang araw na Tupad Orientation isinasagawa sa iba’t- ibang bayan ng Unang Distrito ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Sasalang sa oryentasyon sa loob ng limang araw ang kabuuang 4,992 benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay ang limang bayan ng Camarines Norte na makikinabang sa programang Tulong Panghanabuhay para sa mga Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.

Ang programa ay magkatuwang na pinangunahan ng Department of Labor and Employment o DOLE at Legislative District Office sa pangunguna ni Congresswoman Josie Baning Tallado para sa mga taga Unang distrito ng Camarines Norte

Ang 984 na benepisyaryo mula sa bayan ng Jose Panganiban ay isinailalim  sa oryentasyon nitong September 21 , kahapon, September 22 ay ang bayan ng Paracale na may 1,040 beneficiaries

Ngayong araw, September 23 isasagawa naman ang oryentasyon sa Capalonga na may 874 beneficiaries sa September 24 ay sa bayan ng Sta. Elena na may 929 beneficiaries at September 26 ang labo na may 1,165 beneficiaries

Ang mga benepisyaryo ay maghahatid ng serbisyo publiko gaya ng paglilinis sa barangay o “community service” sa loob ng sampung araw, at makatatanggap sila ng 345 pesos na sweldo o minimum wage kada araw o P3,450 sa kabuuan.

Ang naturang programa ay mula sa P20 milyon pondo ng community-based TUPAD (Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Program

Ang Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers TUPAD ay isang short-term emergency employment ng DOLE na naglalayung matulungan ang mga manggagawa na mga nasa informal economy na naapektuhan nang kawalan ng trabaho dulot ng kalamidad at pandemya.

Narito ang mga araw at lugar kung saan isinasagawa ang oryentasyon:

1. September 21 (Jose Panganiban)

A. Larap Covered Court (AM)

B. Motherlode Barangay Hall/Covered Court (PM)

– TOTAL: 984 beneficiaries

2. September 22 (Paracale)

– Batobalani Barangay Hall/Covered Court (AM & PM)

– TOTAL: 1,040 beneficiaries

3. September 23 (Capalonga)

A. Calabaca Barangay Hall/Covered Court (AM)

B. Catioan Barangay Hall/Covered Court (PM)

– TOTAL: 874 beneficiaries

4. September 24 (Sta. Elena)

A. Kabuluan Barangay Hall/Covered Court (AM)

B. Poblacion Gymnasium (PM)

– TOTAL: 929 beneficiaries

5. September 26 (LABO)

A. Mabilo 2 Covered Court (AM)

B. Canapawan Covered Court (PM)

– TOTAL: 1,165 beneficiaries

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *