Limang malalaking pangalan sa larangan ng radyo at print mula Bacolod, pumanao ngayong taon.

Tatlong brodkaster sa Bacolod pumanao sa kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, at isa pa dahilan sa karamdaman.

Sa ngayon umabot sa apat na mga brodkaster ang namatay sa kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod City.

Unang pumanaw ang anchorman na si Rushmore Ubas kahapon Setyembre 15, 2021, sa parehong araw namalaam din sina Jerome Galunan Jr., isang sports writer at news contributor ng Sunstar newspaper, at Mawie Delos Santos isang News Correspondent ng RMN Bacolod na nakabase sa kabankalan City, Negros Occidental.

Ngayong araw, Setyembre 16, 2021 pumanaw din ang veteran radio broadcaster na si Franklin Villanueva dahil sa atake sa puso. Si Villanueva ay may blocktime program sa RPN Bacolod. Habang si Rushmore Ubas, kilala noon bilang anchorman at assistant station manager ng Bombo Radyo at ngayon senior anchor ng Radyo Bandera Bacolod.

Sa pinakahuling tala, meron nang limang media personalities mula Bacolod City ang pumanao dahil sa karamdam matapos kay Nonoy Espina na chairperson ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) noong  Hulyo 7, 2021.

Sa ngayon hinihintay pa ang report ng Local Health of office kung may kinalaman sa COVID-19 ang sanhi ng pagkapamay ng nasabing mga brodkaster.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *