Limang menor-de-edad na suspek sa pagnanakaw sa Boutique sa Puerto Princesa, nakilala na

Nagharap na kahapon, May 19 ang may-ari ng tindahan na ninakawan ng pitong suspek sa Roxas St. Rizal Ave. Puerto Princesa City.

Ayon kay Ms. Janina Zaira Marcelo, ang may-ari ng Millennials Avenue Fashion Boutique and Beauterrifix Health and Beauty Products Trading, nagharap sila ng lima sa pitong suspek sa Police Station 1.

Sinabi nito na ang limang suspek na babae ay mga menor-de-edad at magkakakilala na pawang nakatira sa Brgy. Bagong Silang at ayon sa pulisya ay may record na rin ng pagnanakaw.

Matapos imbetahan sa Police Station ay positibong kinilala ng biktima ang limang suspek base sa kuha ng CCTV sa tindahan.

Kasama ng apat sa limang suspek ang kanilang magulang na agad umanong humingi ng paumanhin sa may-ari .

Matapos ang paghaharap sa police station ay tumungo ang biktima at mga suspek sa kanilang tinitirhan sa Brgy. Bagong Silang at dito nila itinuro at ibinalik sa may-ari ang ilan sa ninakaw na beauty products.

Hindi na nakatanggi pa ang limang suspek at sa halip humingi na lamang sila ng paumanhin sa may-ari at kanilang mga magulang kaya hindi na rin daw magsasampa ng kaso ang biktima.

Sa kabila nito, pumayag ang magulang ng limang suspek na bayaran na lamang ang mga kinuhang produkto na nais mangyari ng biktima.

Samantala, tinutugis pa ngayon ang mag-asawang nahagip din sa CCTV.

📷 Janina Zaira Marcelo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *