Limitadong paggamit ng beach resorts sa Albay, mahigpit na ipinatutupad dahil sa bagyong Karding – APSEMO

LEGAZPI CITY – Mahigpit na ipinapatupad ng nasabing opisina ang limitadong paggamit ng mga beach resort sa lalawigan ng Albay dahilan sa bagyong Karding.

Ayon din sa opisyal, naglabas ng kautusan ang gobernador na lilimitahan ngayon ang paggamit ng beach resort na nasa East at West coastal area upang maiwasan ang insidente dahil sa bagyo.

Aniya, kailangang i-monitor ng bawat barangay offcials ang mga resort na kanilang nasasakupan upang mabigyan ng paalala at babala sa posibleng hindi inaasahang  insidente dahil sa malalakas na alon sa karagatan.

Hindi umano maaaring ipagsawalang-bahala ng lokal na pamahalaan ang ipinag-uutos dahil ito ang inapruhabahan ng pangulo. Sa ngayon ay wala pang naitatalang evacuess sa Albay dahil hindi na gaano umanong apektado o hindi na nararanasan ang hagupit ni Bagyong Karding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *