Limitadong serbisyo ng RITM, ikinabahala sa Batangas

Nagpahayag ng pagakabahala ang isang miyembro ng IATF Batangas sa naging anunsyo umano ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na babawasan na nila ang kapasidad sa paglalabas ng resulta ng mga isinagawang swab test mula sa ibat ibang rehiyon lalo na para sa sitwasyong madaling makahawa ang Delta variant na meron na din sa bansa.

Nabuksan ang usapin nang magsalita si Batangas City Vice Mayor Dr. Jun Berberabe sa isinagawang IATF meeting ukol sa limitado ng sebisyo ng RITM at inalam nito ang kalagayan ng MOA sa pagitan ng mga testing laboratory at ng pamahalaang panlaalwigan.

Sa kasalukuyan nabatid na on going ang proseso ng MOA sa pagitan ng mga testing lab kasabay na ang pakikipag-usap sa Batangas Medical Center na dagdagan ang bilang ng specimen na maaring i-accomodate ng kanilang laboratoryo mula sa Batangas.

Sa puntong ito ay nagpahayag pa rin ng concern si VM Berberabe at sinabing may “basta na lamang gumagaling na pasyente na may mga sintomas na hindi na nate-test, aniya dapat mapalakas ang komuminkasyon na may ganitong libreng test ang probinsya para hindi nag-aatubiling magpa-test ang sinuman lalo na ang mga may sintomas.

Nakikita din kasing nag-aatubili na magpa-test ang ilang sa mga suspect at direct contacts na kahit may Philhealth na ay maglalabas pa rin sila ng pera na may kamahalaan kung maaring ang Philhealth na lamang ang magbabayad sa laboratoryo.

Isa pa rin usapin naman sa panig ng Philhealth ay  may “katagalan” naman umano ang pagbabayad ng Philhealth sa mga accredited na laboratoryo na kinakailngan din mapagtuunan ng pansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *