Lingkod Bayanihan ng PRO2, nabenepisyuhan ang mga residente sa Sitio Lagis, Sindon Bayabo City of Ilagan

Naabot na rin ng Lingkod Bayanihan ng Police Regional Office No. 2 ang mga residente Sitio Lagis, Sindun Bayabo, City of Ilagan matapos pormal nang ipasakamay ang ipinatayong Communal Toilet at Pump Well.

Nasa 28 na sambahayan o katumbas ng 98 na mga indibidwal ang mabebenipisyuhan ng naturang proyekto sa ilalim ng Barangayanihan Program ng PNP.

Inihayag ni PBGen. Crizaldo Nieves, Regional Director ng PRO2 na ang serbisyo ng pamahalaan katuwang ang kapulisan ay handa para pagsilbihan ang mga mamamayan.

Naniniwala rin ito na ang pagiging progresibo ng isang komunidad ay dahil sa mapayapang lokalidad kaya’t lalo pang pinaiigting ng PRO2 ang peace and order efforts bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Kasabay din ng naturang aktibidad ay ang pamamahagi ng mga food packs at relief items maging ang pagsasagawa ng tree planting.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si City Mayor Jay Diaz dahil napili ng PRO 2 ang kanyang nasasakupan bilang recipient ng Lingkod Bayanihan.

Photo: PRO 2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *