Linta sa ilong ng Bumbay

HINDI MAPAKALI ang isang Bumbay na si Cecil Andre Gomes dahil sa patuloy na pagdugo ng kaniyang ilong.

Hanggang naisipan niya nang magpa-checkup sa Doctor kung para malaman ang sanhi ng pagdurugo ng kaniyang ilong.

Laking-gulat ng sumuring doctor nang makita ang isang buhay na  linta sa loob ng ilong ni Gomes gamit ang isang aparato.

Ayon kay Dr. Subhash Chandra Verma, ang ginagawang pagsipsip ng dugo ng linta ang dahilan kaya walang humpay ang pagdurugo ng ilong ni Gomes.

Ayon kay Gomes, posibleng nakapasok sa ilong niya ang linta nang maligo siya sa isang ilog. Sinabi ng doktor na mabuti na lang at hindi nakarating ang linta sa kritikal na bahagi ng ulo ni Gomes, gaya ng mata o utak, bagaman bihira naman daw iyong mangyari.

Maayos na natanggal ang buhay na linta at walang naiwang pinsala sa loob ng ilong ni Gomes. Ayon sa eksperto, kayang mabuhay ng ilang linggo sa loob ng katawan ng tao ang mga linta.

Ayon sa pag-aaral ang mga linta na galing sa Praobdellidae family na kumakain sa surfaces na may mucous membrane ang karaniwan umanong pumapasok sa katawan ng tao. ### Rumer Grant, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *