Listahan ng mga business establishments sa lungsod na nasa positive at negative list ng BPLO, nakatakdang ipalabas sa susunod na linggo

Kinumpirma ng opisyal ng Business Permit and Licensing Office na sa susunod na linggo, araw ng Lunes Disyembre 26, 2022 ay magpapalabas na sila ng mga listahan ng lahat ng mga business establishment sa lungsod na nasa positive at negative list.

Anya ang naturang listahan ay kanilang ipapaskil sa Lobby ng City Hall at maaari rin itong ma-access sa kanilang official facebook page.

Sa nasabing listahan, malalaman kung compliant ang isang nagrerenew ng kanyang business permit kung saan lahat ng mapapabilang sa positive list ay kukuha na lamang ng barangay Clearance, cedula at kanilang Income Tax Return o deklarasyon ng kanilang buwanang kita kung kayat mas mabilis ang mga itong makakapag renew habang ang mapapabilang naman sa negative list ay yaong mga for renewal pa rin ngunit mayroon pa ring kulang sa kanilang dukomento na dapat i -comply sa pagritkular na ahensya ng gobyerno kung saan hinihingi ang kanilang permit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *