“Litany of Gratitude” pormal nang ipapalit sa Oratio Imperata laban sa COVID-19 sa Archdiocese of Caceres

NAGA CITY- Pormal nang papalitan ang Oratio Imperata laban sa COVID-19 sa Archdiocese of Caceres.

Matatandaan na may panalangin laban sa COVID-19 at paggabay sa mga health workers maging sa mga eksperto upang malabanan ito. Nasundan ng panalangin para sa bakuna na binibigkas bago o pakatapos ng misa sa kasagsagan ng pandemya.

Kasunod naman ng pagsisiguro ng mga health experts na under control na ang pandemya at marami na ang nabakunahan, inilabas na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang “Litany of Gratitude after the COVID-19 Pandemic” naaprubahan ito sa Plenary Assembly nitong  nagdaang Enero.

Ang panalangin ay gagawin  sa lahat ng misa Lunes hanggang Linggo hanggang sa Feb. 22, o sa Ash Wednesday.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Fr. Wilmer Tira , Parish Priest ng St. Raphael the Archangel Parish ng Pili na sinimulan na na nila noong Linggo. Kung noon aniya ay nanalangin kontra sa sakit ngayon naman dapat lang na nagpasalamat na dahil bumabalik na sa normal ang mga aktibidad at galaw ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *