Lito Lapid at Lorna Tolentino, first time magtambal sa teleserye

Higit limang dekada nang artista sina Lito Lapid at Lorna Tolentino pero first time silang magtambal sa isang teleserye.

Hindi lamang iyan may kissing scenes pa silang dalawa.

Biro ni Lito Lapid, kissing scene daw ng mga senior citizens at sinabing single naman si Lorna kaya’t wala raw problema.

Ibinida pa ng aktor ang kanilang loveteam na tinawag na Primanda – kombinasyon ng kanilang mga pangalan sa karakter sa serye na Primo at Amanda.

Ibinahagi ng beteranong aktor na ang tawag ng kanyang manager kay Lorna ay Mrs. Lapid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *