Livelihood assistance sa mga beneficiaries ng Matnog River Boat Cruise Project, nai-award na ng DOLE

Nai-award na ng Department of Labor and Employment- Bicol ang tseke bilang livelihood assistance para sa mga benepisyaryo ng Matnog River Boast Cruise project.

Aabot sa P991,508.00 ang nasabing livelihood assistance para sa dalawang asosasyon, ang Tanaw Matnog Tourism Workers Association o TMTWA at Agta-Tabangnon Cimaron Tribe Association o ATCTA na mayroong55 miyembro na hahawak at magpapatakbo ng nasabing proyekto.

Inisyal na lalayag ang tatlong units ng unique river boat sa tinatawag nilang enchanting river ng Matnog sa summer ng taong 2023.

Kasama sa mga bagong atraksyon sa 3.5 kilometers na ilog ang bird watching at kayaking.

Magpapamalas rin ang mga miyembro ng Indigenous People (Ips) ng kanilang kultura, tradisyon, culinary expertise at local practices sa mga stop-overs ng paglalakbay.

Tuloy-tuloy din ang isinasagawang  pagsasanay ng mga benepisyaryo sa customer service handling and treatment at iba pang serbisyo na naaayon sa standards ng Department of Tourism (DOT).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *