CAMARINES NORTE – Ipinaliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang livelihood intervention na maaaring i-avail ng farmers association.
Sa isinagawang system management committee meeting kamakalawa na dinaluhan ng farmers at irrigators association sa lalawigan ng Camarines Norte, iprinesenta ng kinatawan ng ahensiya ang tungkol sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
Ang DILP ay kakambal ng TUPAD program sa bisa ng Department Order 239 series of 2023 ang revised guidelines ng programa.
Ang mga eligible beneficiaries ay working poor, kasama ang self- employed na hindi sapat ang kinikita, marginalized and landless farmers, marginalized fisherfolks, unpaid family workers, mga kababaihan at kabataan, low wage and seasonal workers, displaced workers, Persons with Disability, senior citizens, Indigenous Peoples, magulang ng child laborer, rebel returnees at ang mga biktima ng armed- conflicts.
Nilinaw naman ng DOLE na sa ilalim ng programa ay tools and equipment lang ang kanilang ibinibigay at hindi cash assistance.
Iba umano ito sa TUPAD program na isang uri ng emergency employment. Ang ginawang system management committee meeting ay inorganisa naman ng National Irrigation Administration (NIA).
