Liza Dino, dinepensahan si Sen. Padilla sa gitna ng ‘Plane’ controversy

Dinepensahan ng dating chair ng Film Development Council of the Philippines ang panawagan ni Senator Robin Padilla na i-ban sa bansa ang pagpapalabas ng pelikula ni Gerard Butler na “Plane”.

Sinabi ni Liza Dino Seguerra, nakatanggap siya ng balita tungkol sa “Plane” controversy gayundin sa isa pang pelikulang “Shotgun Wedding” na pinagbibidahan ni Jennifer Lopez, na parehong binanggit ang Pilipinas.

Sinabi ni Dino Seguerra, na sa ilalim ng mga alituntunin ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, ang isang pelikula ay maaaring ipalabas sa mga lokal na sinehan basta ito ay hindi nag-uudyok ng rebelyon o national threat.

Gayunpaman, sinabi niya na ang MTRCB ay maaaring makialam kung ang pelikula ay kinunan sa bansa at mabigyan ng insentibo ng gobyerno.

Bagama’t settings ng kuwento ng “Plane” ay sa Jolo, ang pelikula ay kinunan sa Puerto Rico, ayon sa iba’t ibang ulat ng media.

Sinabi ni Dino Seguerra na bilang isang manonood, maaaring panoorin ang “Plane” bilang fiction ngunit nabanggit na naiintindihan niya kung bakit ganoon ang reaksyon ni Padilla.

Aniya, bilang isang senador at isang Muslim, maaaring nasaktan si Padilla sa pelikula batay sa kanyang karanasan at kasalukuyang posisyon sa gobyerno.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *