Local buses sa Bicol Central Station extended ang oras ng biyahe kaugnay ng dagsa ng pasahero ngayong Peñafrancia Fiesta

NAGA CITY- Pinalawig ang biyahe lokal ng mga bus sa Bicol Central Station kaugnay ng Peñafrancia Festival sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay terminal manager Nonoy Reforsado, sinabing walang problema sa biyahe patungo at mula sa Maynila, pero mahaba ang pila ng mga pasahero lokal noong nagdaang Traslacion Procession. Ang ibang units dati ay alas-7 ang last trip , kapag fiesta ay inaabot ng hanggang alas-10.

Asahan pa aniya na mangyayari ito muli dahil sa malalaki pang parada simula ngayong araw Sept. 13gaganapin ang Scouts Parade and DXMC Competition pati ang 1st Naga City Inter-School Mass Dance Competition, mula umaga hanggang hapon. Civic and Float Parade at Peñafrancia Voyadores Festival Street and Pilgrims Dance Competition naman sa September 14 at sa September 15 ang 13th Bicol Regional Military Parade. Ang ilang mga bus naman ay nagsilbing mga service vehicle ng mga kalahok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *