Local implementation ng Social Pension para sa Senior Citizens nangangailangan ng milyon na pondo mula sa City Government mahirap maipatupad  

NAGA CITY – Direktang inihayag ni Jimmy Reblando ang head ng office of the senior  citizens association sa Naga City, na mahirap mangyari ang hangarin nilang mag localized ng social pension dahil malaking pondo ang kailangan.

Sa pagharap niya sa media at sa Brigada News FM Naga, binanggit niya na wala namang pondo ang City Government para rito sa ngayon.

Paliwanag ni Reblando, sa isang libong miyembro pa lamang nila ay kailangan na ng anim hanggang siyam na milyong piso.

Anya’y may mahigit 20 libong senior citizens silang mga miyembro ngayon na kung mabibigyan lahat ay napakalaking pera ang kailangan na ilabas, ang problema ay wala pang nailalaang pondo para sa kanila.

Magkagayunman, lahat naman ng basic needs ng mga lolo at lola ay naibibigay nila sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at opisina kabilang na ang City Social Welfare and Development Office.

Mula sa mga gamot, vitamins, medical assistance hanggang sa burial ay naibibigay ng LGU-Naga, sabi pa ni Reblando.               

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *