Local Rice sa NCPM, mas marami sa imported-vendor

NAGA CITY – Wala pang nakikitang kakulangan sa supply ng local milled rice ang ilang manininda ng bigas sa Naga City People’s Mall sa kabila ng patuloy na pag-import ng bigas ng Pilipinas galing sa ibang bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Alicia Boletic, residente ng Gainza, Camarines Sur at 30 taon nang nagtitinda ng bigas, sinabi nitong ilang malalaking lokal na rice mill pa naman ang napagkukunan nila ng mura at magagandang klase ng bigas kung kaya’t hiling ni Nanay Alicia na nawa’y tangkilikin ng mga Pilipino ang local rice nang mas matutulungan ang kapwa magsasaka na siyang nagpapagod na makapagsupply ng bigas sa publiko.

Samantala, nagbigay rin ng pahayag ang manininda tungkol sa posibleng pagbaba sa presyo ng palay. Anya, magkakaroon ng direktang epekto sa kanilang manininda sakaling mangyari ang pagbaba sa presyo ng palay. Pabor sana ito sa mga konsumer ngunit para sa kanilang mga magsasaka’t manininda, maaaring ikalugi nila ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *