Local youth development office, nagsagawa ng 1st quarterly meeting sa Daraga, Albay

Isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO) ang kanilang unang quarterly meeting sa SB Hall, Daraga Municipal Building, kung saan pinag-usapan ang accomplishment report para sa taong 2022 at pagbuo ng Local Youth Development Council sa nasabing bayan.

Sa impormasyong mula sa LGU Daraga, upang maging ganap na miyembro ng LYDC ay dapat na maging bahagi sila ng mga organisasyon pagdating sa edukasyon – ang pagiging bahagi ng College Student Council; sa employment naman ay ang pagiging bahagi sa Daraga Human Resource Development Center; sa health and participation ay ang pagiging bahagi ng Philippine Red Cross – Albay Legazpi City Chapter at marami pang iba.

Matatandaan, ang nasabing opisina ay nasa ilalim ng RA 10742 o mas kilala bilang SK Reform Act na may layuning ipaalam sa mga kabataan ang mga ginagawang programa, proyekto at aktibidad .

Hinikayat din ang mga kabataan na makiisa sa mga Gawain at magkaroon ng mabuting pamumuno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *