Localized thunderstorms, magpapaulan sa Mindanao- PAGASA

Patuloy na makakaranas ng mga pulo-pulong pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong hapon dahil sa localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, halos buong Mindanao ang mataas ang tyansa ng ulan hanggang mamayang gabi.

Sa Visayas naman, may mga mahihinang ulan pa rin sa mga probinsya ng Samar, Leyte, Aklan at Capiz. Mababa namn ang tyansa ng ulan sa buong Luzon at asahan na ang mainit at maalinsangang panahon dahil sa easterlies.

Samantala, sinabi ng weather bureau na sa ngayon ay wala pa rin silang namo-monitor na sama ng panahon sa loob at labas ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatalong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *