Lockdown, ipinatupad sa Central Sydney dahil sa delta variant

Hindi muna pinalalabas ng gobyerno ng Australia ang mga residente na mula sa apat na lugar sa central Sydney mula sa kanilang mga bahay sa loob ng isang linggo upang ma-contain ang lumolobong outbreak ng Delta variant ng COVID-19.

Na-link ng mga otoridad ang dose-dosenang mga kaso ng mas nakakahawang variant sa isang limousine driver na nahawaan matapos nitong ihatid ang isang international flight crew mula Sydney aiport papunta sa isang quarantine hotel.

Ginawa ng Australia ang naturang desisyon matapos pumalo sa 65 ang bilang ng cluster na tinamaan ng Delta variant.

Dahil dito ay nakiusap si state premier Gladys Berejiklian sa lahat ng mga nakatira o nagtatrabaho sa mga apektadong lugar na manatili muna sila sa kanilang bahay.

Ipinunto naman ng opisyal na “better that expected” ang kanilang contact tracing at paghahanap ng mga konektado sa mga kaso ng Delta variant.

Pero ayon sa state premier, kailangan nilang gawin ang lockdown upang matiyak na wala silang nakaligtaang chains ng community transmission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *