Locsin, nag-sorry matapos magmura sa tweet vs. Chinese gov’t.- Palasyo

Humingi umano ng tawad si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government dahil sa pagmumura nito sa isang tweet kung saan binuweltahan nya ang Beijing dahil sa presensya ng Chinese ships sa West Philippine Sea. 

Sa isang press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na personal na humingi ng dispensa ang kalihim kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Roque, personal na pananaw ni Locsin ang naging pahayag nito at di official policy ng pamahalaan. 

Dagdag ng spokesperson, kusang nag-sorry ang DFA secretary sa Chinese government at di ito pinressure o inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mababatid na sa public address kagabi, sinabi ng pangulo na ang territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China ay di dapat maging rason para maging bastos ang mga Pilipino. 

Gayunman, inihayag ni Roque na sinabihan ng pangulo ang kanyang Gabinete na sya lamang ang pwedeng magmura kabilang na sa mga pahayag tungkol sa foreign policy. 

Mababatid na noong July 2016, ibinasura ng Hague-based Permanent Court of Arbitration ang claim ng China sa buong South China Sea, bahagi ng tinatawag na West Philippine Sea ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *