Locsin sa China: ‘Lumayas kayo sa PH waters’

May panibagong buwelta si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa China dahil sa patuloy na presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea. 

Pero mas agresibo ang banat ng kalihim sa Beijing sa kanyang tweet ngayong araw. 

Ito ay matapos maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa agresibog hakbang ng kanilang Coast Guard sa Philippine Coast Guard vessels na nagpapatrolya at nagsasagawa ng training exercises sa vicinity ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Sa kanyang tweet, pinaaalis muli ni Locsin ang China sa Philippine waters at kinuwestyon kung anong ginagawa nito sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Beijing. 

Mababatid na noong nakaraang linggo, iniulat ng National Task Force for the West Philippine Sea na tatlong Chinese Coast Guard ships ang namataan sa Panatag o Bajo de Masinloc, isa sa municipality of Kalayaan sa Palawan, at isa sa Ayungin Shoal.

Giit ng DFA, walang law enforcement rights ang China sa mga nasabing areas. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.