Lokal na pamahalaan ng Capalonga, naghahanda na para sa paparating na kapyestahan ng bayan

CAMARINES NORTE- Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Capalonga para sa magaganap na kapyestahan ng nasabing bayan

Ika-13 tuwing buwan ng mayo ginaganap ang nasabing pagdiriwang kung saan ibat-ibang aktibidad ang isinasagawa na handog para sa mga Capalongeños at mga bumibisita rito.

Nagkaroon ng pagpupulong ang LGU kasama ang ilang indibidwal, head office, maging ang BFP, MDRRMO, PNP ARMY at ang Mobile Force.

Masusi umanong pinag-usapan ang mga hakbang na gagawin sa magaganap na kapistahan kung saan pinag-usapan din ang paghihigpit ng seguridad, maging ang mga lugar kung saan maaaring magparking para malimitahan ang pagkakaroon ng trapiko sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *