Lokal na produkto ng lalawigan, tampok rin sa SEAMREEC

Tampok rin sa aktibidad ng South East Asian Multidisciplinary Research Expo and Extension Conference o SEAMREEC ang mga lokal na produkto ng lalawigan ng Sorsogon.

Sa kanya-kanyang booth ng bawat bayan ay ibinida ng mga ito ang mga natural na produkto sa kanilang lugar na pinangunahan ng bayan ng Bulusan na kabilang sa itinuturing na malaki ang potensyal sa marine-related research, livelihood at tourism.

Ibinida naman nang bayan ng Bulan ang kanilang mga sculpture, painting at handicrafts at mga local products tulad ng coconut food products, export quality vinegar at cacao made chocolates.

Local chips na gawa sa ibat-iba’t agricultural products at bee farm products ang itinampok ng bayan ng Casiguran.

Samantala keynote speaker naman sa aktibidad si Higher,Technical, and Vocational Education Committee Chairman Senator Chiz Escudero, kung saan sinabi nito na ang aktibidad ay isang malaking oportunidad hindi lamang sa larangan ng multidisciplinary research kundi maging sa cultural exchange ng bawat bansang kalahok.

Ang SEAMREEC ay nagsimula noong Marso 1 at magtatagal hanggang bukas Marso 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *