LEGAZPI CITY – Huli sa Purok 4, Brgy. Masoc bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ang isang 65 anyos na lolo mula sa bayan ng Oas, Albay na may kasong acts of lasciviousness.
Kinilala ang akusado na si alyas “Domingo” at residente ng Purok 2 Brgy. Saban ng nasabing bayan.
Pinuntahan ng mga otoridad kabilang ang CIDG Nueva Vizcay, PFU, at Bayombong MPS ang kinaroroonan ng akusado upang arestohin dahil sa kasong kinakaharap.
Nang marating ang lugar, agad na isinilbi ang warrant of arrest na pirmado noong Pebrero 6, 2020.
Aabot sa PHP200,000 halaga ng piyansa ang inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakda itong ibalik sa kanyang court of origin upang harapin ang kasong isinampa sa kanya ng biktima.