Lolo na nagbibisikleta, patay sa aksidente sa Naga City

NAGA CITY- Patay ang isang 68-anyos na lolo matapos na aksidenteng masagi ng pick-up  habang nag bibisikleta sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang alas 12:15 Lunes ng tanghali April 3, 2023 sa  Maharlika Highway, Concepcion Pequeña partikular sa outermost lane sa tapat ng Holy Rosary Major Seminary. Kinilala ang biktima na si  Vicente B. Saavedra, residente ng Brgy Concepcion Grande.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad nakasaad na iniwasan nito ang pampasaherong unattended jeepney na nakaparada sa shoulder ng kalsada, kumabig pakaliwa pero naabot ng pick up na dala ni Manuel Collao y Amador,  58-anyos ng Concepcion Grande ang unahang gulong ng bike, daan upang matumba ang bisikleta at tumama sa kalsada ang ulo ng biktima.

Dinala sa ospital ang lolo pero kalaunan ay binawian din ito ng buhay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng NCPO, sinabing sana ay palakasin pa ang operasyon laban sa mga pumaparada sa tabi ng kalsada lalo na sa bike lane. Kasabay na nito ang paalala na mag-ingat sa pagpapatakbo ng mabilis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *