Lolo, patay nang nabangga ng bus sa Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos na mabangga ng bus sa Bula, Camarines Sur.

Sa imbestigasyon ng pulisya nangyari ito bandang alas alas 8:30 ,Abril 10, 2023 sa Maharlika highway Zone 1, Sta. Elena, Bula. Binabaybay ng bus na dala ni Rolando Beltran y Jornales, 63-anyos residente ng Camalig,  Albay ang daan patungo sa Metro Manila, nag overtake ito sa isa pang sasakyan bigla umanong tumawid sakay ng bisikleta ang biktimang si Marciano Lanuso y Gabarda, 69-anyos , laborer ng parehong lugar.

Nagtamo ng matinding sugat ang lolo, dinala sa ospital sa Iriga City pero hindi na umabot pa ng buhay.

Sa pamayam ng Brigada News FM Naga kay PCPT. David Olleres Jr ng PNP Bula sinabi nitong napag-alaman nilang sinubukan pang umiwas ng 30-taon nang driver na si Beltran pero hindi na kinaya pa sa laki ng bus.  

Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang kakaharapin sana nitong kaso, pero ayon kay Olleres Jr, nagkausap na ang pamilya at ang suspek, nagkaroon na ng settlement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *