Lolo sa China, kinidnap ang sariling apo para gawing pambayad sa kanyang mga kautangan

TILA  tuluyan na ngang tinakasan ng bait ang isang 65 anyos na lolo sa China, dahil kahit na sarili nitong apo ay ginamit niya para gawing kidnap for ransom, makakuha lang siya ng pambayad sa kanyang mga pinagkaka-utangan sa sugal.

Ang nasabing lolo ay hindi na pinangalanan pa subalit ito umano ay may apelyidong Yuan, at ang kanyang apo naman ay nasa apat na taong gulang pa lamang.

Ayon sa South China Morning Post, pinagbantaan at tinakot ni Yuan ang ina ng bata na hindi na nito muling makikita ang  anak maliban na lamang kung ito ay kanyang tutubusin sa halagang 500,000 yuan o katumbas ng mahigit P4 milyong sa loob lamang ng tatlong araw.

Labis na ikinabahala ito ng sarili anak ni Yuan, kaya minabuti nito  na ipagbigay alam na sa kapulisan ang masamang ginagawa ng kanyang ama.

Matagumpay naman na nahuli si Yuan ng mga kapulisan, at nakulong sa salang pangingikil, subalit nang tanungin ito hinggil sa kanyang mga ginawa, sinisi lamang nito ang kanyang anak, at tinawag na “ungrateful” dahil sa umano’y ginawa nitong pang didiin sa kanya.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *