Human Interest

Longest living dog in the World, kinilala ng Guinness

ISANG 22-taong gulang na aso ngayon sa Colorado USA, ang kinikilala ng Guinness bilang “Oldest Living Dog” in the world.

Ang Chihuahua dog na si Gino Wolf ay binigyang pagkilala ng Guinness matapos ma beripika ng mga veterinarian doctor sa nasabing lugar na siya ay 22 taon nang nabubuhay sa mundo sa pangangalaga ng isang lalaki na si Alex Wolf.

Ayon kay Alex, estudyante pa lamang siya sa kolehiyo nang ampunin niya si Gino mula sa Humane Society of Boulder Valley.

Hanggang sa kasalukuyan, malusog pa rin si Gino at kasa-kasama ni Alex sa lahat ng mga mahahalagang bahagi ng kanyang buhay.

Ayon sa pagsusuri ng mga eksperto, September 24, 2000 isinilang si Gino kung kaya’t nagawa nitong mahigitan ang dating record holder na asong si Tobby Keith na edad 21-anyos.

Ayon sa pag-aaral hanggang 18 years lamang ang itinatagal ng buhay ng isang karaniwang Chihuahua kung kaya’t malaking milestone para sa asong si Gino na makaabot ng 22 taon.###JDR

BNFM Bicol

Recent Posts

Driver sa Ceres Bus gibilanggo human nga nakaligis-patay og motorista

Gitanggong karon sa prisohan ang drayber sa Ceres Bus ug gipaabot nga mapasakaan og kasong…

5 hours ago

269,100 milliliters sa dugo, nakolekta sa BNFM Butuan

Daghang bag sa dugo ang makolekta kun ang tanan magpakabana, molambigit, ug magpakuha sa kaugalingong…

7 hours ago

Ex-convict gidakdaka’g bato ug gidunggab patay

Patay ng napalgan ang usa ka exconvict nga nag buy-od sa yuta alas 11:50 kagabii…

7 hours ago

Ex-convict gipusil-patay samtang natulog sa e-bike

Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…

8 hours ago

DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…

8 hours ago

DA – wi-nelcome ang pag-certify as urgent ni PBBM sa RTL

Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…

8 hours ago