Losing skid ng NLEX, natuldukan; Blackwater, nanatiling winless

Nagwagi ang NLEX Roadwarriors sa krusyal na laro nito kontra Blackwater Bossing sa 2021 PBA Philippine Cup, sa score na 90-73.

Sa ginanap na pagtutuos ng dalawang kuponan sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga, ay matagumpay na nawakasan ng Road Warriors ang three-game losing streak nito, na dahilan para umangat ang kanilang record sa 5-5.

Nakatulong rin ito para madagdagan ang tyansa ng NLEX na makapasok sa quarterfinals.

Pinangunahan ng veteran forward na si JR QuiƱahan ang Road Warriors sa kaniyang naitala na 16 points habang meron apat na iba pa ang nagtala rin ng double digits.

Samantala, nagsilbi naman ang naturang laro bilang ika-10 sa magkakasunod na talo ng Blackwater sa conference.

Dahil diyan ay meron na 18 sunod-sunod na talo ang Bossing mula nang magsimula ang 2020 PBA Philippine Cup, na kapantay na ng naitala ng Great Taste/Presto noong 1980.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *